MANILA, Philippines- Sinuspinde ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang consular operations nito sa Metro Manila ngayong Miyerkules sa gitna ng malakas na pag-ulan at matinding pagbaha dahil sa southwest monsoon (habagat) at bagyong Carina.
Saklaw ng sinuspindeng operasyon ang passport at authentication services sa DFA Aseana, DFA Consular Offices, at Temporary Off-Site Passport Services (TOPS) sa National Capital Region (NCR), base sa abiso ng ahenya.
Sinuspinde rin nito ang Passport Releasing Service Center at DoubleDragon Meridian Park nito sa Pasay City, na balik-normal ang operasyon sa Hulyo 25.
Seserbisyuhan ang mga aplikante para sa passport services na may confirmed appointments sa Hulyo 24 sa DFA Aseana at consular offices sa NCR mula Hulyo 25 hanggang Aug. 23, base sa DFA.
Tatanggapin naman ang TOPS applicants sa kani-kanilang Supervising Consular Offices (https://consular.dfa.gov.ph/transparency/tops-directory) mula Hulyo 25 hanggang Aug. 23sa parehong time slot na ibinigay sa kanila sa kanilang orihinal na appointment.
Para sa DFA COs at TOPS sa labas ng NCR, pinayuhan ang mga aplikante na sumangguni sa mga anunsyo mula sa kanilang local government offices para sa impormasyon o suspensyon ng mga serbisyo.
Samantala, ang mga apektadong authentication applicants na may confirmed appointments sa DFA-Aseana ngayong araw ay seserbisyuhan sa Hulyo July 25 hanggang Aug. 2.
Ang mga apektadong authentication applicants na may confirmed appointments sa NCR consular offices ay seserbisyuhan sa loob ng 30 araw mula Hulyo 25.
“Affected applicants must present their confirmed appointment packet which shows that their original schedule is on 24 July 2024,” paalala ng DFA.
Narito ang scheduled dates para sa paglalabas ng authentication documents sa DoubleDragon Plaza:
Matatandaang sinuspinde ng Malacañang ang trabaho sa government offices at klase sa lahat ng lebel sa Metro Manila sa gitna ng malakas na buhos ng ulan dahil sa weather disturbances, na nagdulot ng matinding pagbaha sa iba’t ibang lungsod at major thoroughfares.
Isinailalim ang buong Metro Manila sa state of calamity dahil sa masamang panahon. Kris Jose