Home NATIONWIDE Patay kay Uwan, 33 na

Patay kay Uwan, 33 na

271
0

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 33 ang bilang ng mga nasawi dahil sa Super Typhoon Uwan.

Kasabay nito ay mahigit pitong milyong indibidwal ang apektado ng bagyo at marami sa mga ito ang nasa evacuation center pa rin.

Sa latest report nitong Miyerkules, Nobyembre 19, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na isa pa lamang sa 33 reported fatalities ang nakumpirma.

Nagpapatuloy naman ang validation sa 20 iniulat na nasawi sa Cordillera Administrative Region (CAR), pito sa Region 5 (Bicol Region), tatlo sa Region 3 (Central Luzon), at tig-iisa sa Region 6 (Western Visayas) at 8 (Eastern Visayas).

Nauna nang iniulat ng NDRRMC ang reported death toll sa 28.

Ayon pa sa ahensya, umabot na sa 7,539,110 ang apektadong indibidwal o 2,139,837 pamilya mula sa 14,854 barangay sa 16 rehiyon sa buong bansa. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here