MANILA, Philippines – Isang bangkay ang natagpuan sa loob ng abandonadong taxi sa Brgy Habay 2, Bacoor City, Cavite.
Pinaniniwalaang ilang minuto nang patay ang hindi pa nakilalang biktima at maaaring siya rin ang driver ng naturang taxi.
Ayon sa report, nakatanggap ng tawag ang Bacoor CPS mula sa isang concerned citizen hinggil sa isang abandonadong taxi sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sakop ng Brgy Habay 2 ng nasabing lugar.
Napag-alaman naman na bandang alas-10:45 ng gabi ay may ilang minuto na umanong nakatigil ang nasabing sasakyan sa nasabing lugar dahilan upang ipaalam ito sa Patrol Mobile.
Agad namang tumungo ang mga rumespondeng pulis at dito nadiskubre ang wala nang buhay na katawan ng biktima.
Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya sa pagkakakilanlan ng biktima at kung anu ang naging sanhi ng pagkamatay nito. Margie Bautista