Home HOME BANNER STORY Patay sa hagupit nina Carina, Butchoy umabot na sa 36

Patay sa hagupit nina Carina, Butchoy umabot na sa 36

111
0

MANILA – Umakyat sa 36 ang mga nasawi mula sa pinagsamang epekto ng habagat at Bagyong Butchoy at Carina, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Lunes.

Kasama sa bilang ang 14 na validated deaths — lima sa Calabarzon, apat sa Zamboanga Peninsula, dalawa sa Central Luzon at tig-isa sa Northern Mindanao, Davao Region at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), ayon sa pinakabagong update ng ahensiya.

Sumasailalim pa rin sa kumpirmasyon ang 22 namatay — 15 sa National Capital Region (NCR), lima sa Calabarzon at tig-isa sa Ilocos Region at BARMM.

Kinumpirma rin ng NDRRMC ang mga ulat ng dalawang nasugatan sa Northern Mindanao habang ang mga ulat ng apat na iba pang sugatan sa Cordillera Administrative Region, kasama ang dalawang nawawalang tao sa Ilocos at isa sa Northern Mindanao, ay patuloy pa ring sinusuri.

May kabuuang 1,240, 090 pamilya o 4,553,752 katao na naninirahan sa 3,854 barangay sa buong bansa ang apektado.

Nasa 38,292 pamilya o 152,800 indibidwal ang tinutulungan sa 848 evacuation centers habang 134,235 pamilya o 641,944 katao ang tinutulungan sa labas.

May 1,598 nasirang bahay ang naitala sa 15 rehiyon.

Samantala, ang pinsala sa imprastraktura at agrikultura ay tinatayang nasa PHP1.69 bilyon at PHP355.6 milyon, ayon sa pagkakabanggit. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here