UNITED STATES – Mahigit 200 katao na ang kumpirmadong patay dahil sa pananalasa ng Hurricane Helene sa Estados Unidos.
Ayon sa isang opisyal nitong Huwebes, Oktubre 3, ito na ang ikalawang ‘deadliest storm’ na tumama sa US mainland sa mahigit kalahating siglo.
Sa ikalawang sunod na araw ng pagbisita ni US President Joe Biden sa southeast US, pinakinggan nito ng kwento ng mga residente sa matinding epekto ng hurricane.
Nag-iwan ang kalamidad ng mga bayang lubog sa baha, hindi madaanang kalsada, kawalan ng suplay ng tubig at maging ng kuryente.
Samantala, sa pinagsama-samang bilang ng mga nasawi ay aabot na sa 201 ang death toll na mula sa North at South Carolina, Georgia, Florida, Tennessee at Virginia.
Nagpapatuloy pa ang rescue operation sa iba’t ibang lugar sa Estados Unidos na dinaanan ng Hurricane Helene na inaasahang magpapataas pa sa death toll. RNT/JGC