Home NATIONWIDE Patay sa leptospirosis sa San Lazaro Hospital sumipa na sa 13

Patay sa leptospirosis sa San Lazaro Hospital sumipa na sa 13

286
0

MANILA, Philippines – Umakyat na sa 13 ang bilang ng mga namatay dahil sa sakit na leptospirosis sa San Lazaro Hospital sa Maynila kung saan umabot na rin sa 104 ang naka-admit matapos ang mga pagbaha dulot ng sunod-sunod na bagyo.

Kabilang sa binawian ng buhay dahil sa naturang sakit ang 16-anyos na nakaranas ng acute renal failure.

Sinabi ni San Lazaro Hospital Medical Center chief David Suplico na maaaring ang kawalan ng kamalayan ng publiko na ang mga gpvernment hospitals at barangay health centers ay nagbibigay ng libreng prophylaxis kapag nalantad sa baha ang dahilan ng pagtaas ng bilang ng kaso ng leptospirosis.

Gayunman, sinabi rin ni David na hindi lamang sa tubig baha nakukuha ang leptospirosis mula sa dumi o ihi ng daga.

Idinagdag pa na ang naturang sakit ay kaya pang lunasan basta agad itong magamot. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here