Home NATIONWIDE Patay sa lindol sa Venezuela, aabot sa 1,500

Patay sa lindol sa Venezuela, aabot sa 1,500

1
0

VENEZUELA – Umakyat na sa halos 1,500 ang bilang ng mga nasawi sa kambal na lindol sa Venezuela.

Ayon sa ulat, dose-dosenang mga gusali ang gumuho lalo na sa coastal state, 40 kilometro sa hilaga ng Caracas.

“Rescue and recovery efforts are ongoing. Today (Sunday) we have recovered people alive and, therefore, operations are not being suspended. We always maintain hope,” ayon kay interim President Delcy Rodriguez, matapos ianunsyo na aalamin ng presidential commission kung maaari pang tirahan ang ilang mga gusali.

Nasa 75% naman nang naibabalik ang suplay ng kuryente sa La Guaira.

Nananatiling suspendido ang klase sa mga paaralan.

“We are in critical hours, in crucial hours to continue rescuing lives and to build camps where those people who have lost their homes, or who cannot return, for whatever reason, to their residences can stay,” sinabi ni Jorge Rodriguez, kapatid ng acting president at pangulo ng National Assembly.

Sa huling ulat ay umabot na sa 1,450 ang death toll sa lindol. Mayroon namang 3,150 ang nasaktan, 12,721 ang nawalan ng tirahan at 774 gusali ang gumuho. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here