Home NATIONWIDE Patrol operations vs ismagel yosi, paiigtingin ng PNP

Patrol operations vs ismagel yosi, paiigtingin ng PNP

161
0

MANILA, Philippines – Tumanggap ang Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes ng isang rapid response boat at 30 motorsiklo upang palakasin ang patrol operations at kampanya laban sa ilegal na kalakalan ng sigarilyo.

Ayon sa PNP, ang donasyong limang metrong unsinkable patrol vessel ay magpapalakas sa maritime patrol at rapid interdiction capabilities ng pulisya, lalo na sa mga baybaying lugar.

Samantala, ang mga scooter-type na motorsiklo ay makatutulong upang mapabilis at mapahusay ang land-based patrols ng mga pulis.

Malugod na tinanggap ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang donasyon at sinabi na magsisilbi itong morale booster sa mga pulis habang pinaigting ang kampanya laban sa ilegal na sigarilyo.

“We have been hard-hitting in the fight against illicit cigarettes whether smuggling and/or the production of these cigarettes with or without your donation, it is our commitment to pursue these illicit activities for several reasons,” ani Nartatez sa kanyang acceptance speech sa paglagda ng deed of donation.

Binigyang-diin niya na ang ilegal na produktong tabako ay nagdudulot ng seryosong panganib sa kalusugan, nagpapalaganap ng korupsiyon, at nagkakait sa pamahalaan ng bilyong pisong kita sa buwis.

“Imagine the health hazard it will bring. It’s very dirty and not compliant to the health of the consumer and of course it opens corruption, the dues that are supposed to be paying the government,” dagdag niya.

Ayon sa PNP chief, batay sa projection ng mga law enforcement unit sa Mindanao, partikular sa Region 9, maaaring umabot sa hindi bababa sa P20 bilyon kada taon ang nawawalang buwis dahil sa ilegal na sigarilyo.

Iginiit niya na bahagi ng mas malawak na layunin ng PNP na tiyakin ang kaligtasan ng publiko at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan ang kampanya laban sa ilegal na kalakalan ng tabako.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng kooperasyon ng mga ahensiya ng gobyerno, stakeholders, at komunidad upang masugpo ang ilegal na kalakalan sa buong bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here