Home NATIONWIDE Patse-patseng flood control program, tutuldukan ni Pangilinan

Patse-patseng flood control program, tutuldukan ni Pangilinan

3
0

MANILA, Philippines – Nais nang tuldukan ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ang magulo at walang science-base approach sa flood control program sa buong bansa na nagsasayang ng bilyong pondo ng bayan na nagpapahirap sa mamamayan.

Sa pahayag, ipinanukala ni Pangilinan, chairman ng Senate committee on agriculture, food security and agrarian reform na isailalim ang Metro Manila flood control program sa

  Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mag-organisa ng  pagkilos sa flood-control sa buong bansa sa lugar na nakapaligid sa major rive basins upang tugunan ang pagbaha sa pamamagitan ng nagkakaisa at  science-based approach.

Ayon kay Pangilinan, kailangan ng bansa ang isang pambansang flood-control policy na nakaangkla sa isang integrated master plan at may malinaw na may  accountable lead authority sa bawat metropolitan area o major river basin.

Giit niya na nasasayang ang pondo ng bayan sa patse-patseng proyekto at parang inililipat lamang pagbaha mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar

“Walang kinikilalang political boundary ang tubig. Kung tingi-tingi ang plano, tingi-tingi rin ang solusyon. Ang nangyayari, tumatagos lang ang baha sa mga kalapit-bayan,” aniya.

Sa kanyang panukala, pangungunahan ito ng MMDA sa pagplano, koordinasyon at monitoring ng pagkilos sa flood control sa buong Metro Manila. Dapat naka-linya sa nag-iisang metropolitan flood-control master plan ang lahat ng proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH), local governments, water concessionaires, at iba pang ahensiya.

Hinggil naman sa labas ng Metro Manila, sinabi ni Pangilinan na dapat nakaplano ang lahat ng DPWH flood-control programs sa kabuuang river basins sa halip na congressional districts, provinces, cities o municipalities.

Tinukoy ni Pangilinan ang  Pampanga, Agno, Cagayan, Bicol, Agusan, at Mindanao river basins bilang halimbawa.

“Central Luzon, which has been experiencing widespread flooding amid weeks of monsoon-induced rains, as an illustration of the need for a river-basin approach,” aniya.

Giit pa ng senador na: “flood-control planning for the Pampanga River Basin should cover interconnected waterways affecting Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Tarlac, and neighboring areas.”

“Kailangan nang i-overhaul ang kasalukuyang flood-control system ng bansa. Palitan ng isang master plan na may isang chain of accountability na transparent sa lahat at measurable ang results para sa mga river basin at metropolitan area,” ayon sa senador. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here