IPINAKILALA ng Philippine Basketball Association (PBA) ang siyam na pagbabago sa kanilang mga panuntunan bilang paghahanda sa ika-50 season.
Kabilang dito ang pagbabawal sa video review ng goaltending kung hindi ito naitawag ng referee sa aktwal na laro.
Naging inspirasyon ng repormang ito ang kontrobersyal na Game 1 ng Finals sa pagitan ng San Miguel at TNT, kung saan binawi ang isang dunk ni Mo Tautuaa matapos ang review.
Bukod dito, ipinatupad din na ang dalawang fouls sa huling dalawang minuto ay awtomatikong magdadala ng penalty, at ngayon ay gagamitin na rin ito mula unang quarter hanggang ikatlo.
Bibigyan din ng pahintulot ang mga koponan na mag-huddle habang isinasagawa ang video challenge. Dagdag pa rito, pinapayagan na ang isang manlalaro na makuha ang sariling airball bilang live ball.
Isa pang pagbabagong ipinatupad ay ang pagturing ng excessive elbow swinging bilang technical foul sa halip na offensive foul.GP