Home ENTERTAINMENT PBB, iboboykot ng mga loyalist, di bet na may Kapuso!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES PBB, iboboykot ng mga loyalist, di bet na may Kapuso!February 12, 2025 16:15 FacebookTwitterPinterestWhatsAppTikTok Manila, Philippines- Kaya nga ang buong pamagat ay Pinoy Big Brother Celebrity CollabEdition (PBBCCE) dahil nagsanib ang puwersa ng dalawang istasyon sa bansa.This is another collab between Kapuso and Kapamilya.Ang mga hosts nito’y a mix of both networks–si Gabbi Garcia mula sa GMA at sina Bianca Gonzales at Robi Domingo from ABS-CBN.Kaso, pinalagan ito ng mga loyalista ng Kapamilya–pass daw muna sila sa panonood nito.Weh, ‘di nga? Mapanindigan kaya nila ang kanilang banta?Anyway, masasabing ang pagiging bahagi ni Gabbi ay nakasaysayan.Bakit ‘ika n’yo?Taong 2012 pala ay nag-audition siya sa PBB.Pero sa kasamaang palad, hindi siya nakapasaKaya hindi siya napabilang sa Bahay ni Kuya.Imagine, ligwak noon bilang housemate pero host ngayon?!In fairness to Gabbi, napatunayan na ang husay niya sa hosting sa mga nagdaang major events.Bukod sa kanyang hosting skills, maganda ring magdala ng damit si Gabbi most especially evening gowns.Nakakaintriga nga lang ang sagot niya sa tanong kung may iba pa siyang partisipasyon sa PBBCCE.“Abangan n’yo na lang!” sey niya na lalong may dahilan para hindi ito iboykot ng mga loyal Kapamilya viewers. Ronnie Carrasco III