Home NATIONWIDE PBBM admin nakabawi sa net satisfaction rating – SWS

PBBM admin nakabawi sa net satisfaction rating – SWS

1
0

MANILA, Philippines – NAKABAWI ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa net satisfaction rating sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) matapos umakyat ng 14 puntos noong Hunyo mula -13 noong Marso na naging +1.

Sa pinakabagong SWS national survey, natuklasan na 42% ng adult Filipino ang nagsabi na satisfied o kontento sila sa performance ng administrasyong Marcos habang 40% naman ang nagsabi na hindi sila satisfied at nasa 17% naman ang undecided.

At kung pagsasamahin, ang nasabing net satisfaction rating ay +1, o ikinaklasipika bilang “neutral” ng SWS.

“This is a 14-point recovery from poor -13 in March 2026, which was a record-low for the Marcos, Jr. administration and the lowest in 16 years since the bad -45 in March 2010 under the Arroyo administration,” ayon sa SWS.

Binigyan din ng mga respondents ang administrasyong Marcos ng “very good” rating sa pagkakaloob sa mga kabataan ng basic education (+68), gayundin sa pagpapahusay ng kalidad ng edukasyon ng mga kabataan (+58).

Natuwa naman ang mga respondents sa performance ng pamahalaan sa pagtulong sa mahihirap (+52) at pagbuo ng mga polisiya na lilikha ng oportunidad sa trabaho (+51).

Moderate naman ang naging performance ng Marcos administration sa pagtiyak na wala ng pamilya ang magugutom at walang makain (+26), paghahanda para sa climate change-driven problems (+24), at pangangalaga sa mga Pinoy sa mga war-torn countries sa Middle East (+15).

Habang neutral naman ang mga respondents sa performance ng administrasyon pagdating sa paglikha ng solusyon sa fuel crisis (net zero), pagtiyak na hindi makakapanamantala ang mga kumpanya ng langis sa presyo ng petrolyo (-6) at paglaban sa krimen na nambibiktima ng mga ordinaryong mga mamamayan (-8).

Ayon sa Social Weather Stations (SWS), ang survey ay isinagawa mula June 20 hanggang 29.

Sa kasalukuyan, nananatiling hamon pa rin sa administrasyon ang paglaban sa inflation at korapsyon, habang mataas naman ang naging rating nito sa pagbibigay ng basic education sa mga kabataan. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here