Home NATIONWIDE PBBM bukas sa pagbabawal ng mga mararahas na online games

PBBM bukas sa pagbabawal ng mga mararahas na online games

3
0

MANILA, Philippines – SINABI ng Malakanyang na bukas si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.sa panukalang higpitan o ipagbawal ang marahas na online games sa gitna ng labis na pag-aalala sa posibleng impluwensiya sa mga menor de edad kasunod ng shooting incident sa Tacloban City.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang na pinag-usapan ang nasabing isyu matapos lumutang ang report na isa sa mga menor de edad na sangkot sa shooting incident ng San Jose National High School ay avid player ng isang ‘violent online game.’

“Napag-usapan po na ‘yung mga ganoong klaseng app ay dapat na ma-ban sa Pilipinas. So maganda pong mungkahi iyan at sana makagawa agad ng batas at open ang Pangulo sa ganyang mga panukala,” ang sinabi ni Castro.

Aniya pa, bukas ang administrasyon sa legislative measures na magre-regulate sa access sa violent online content, partikular na sa mga menor de edad.

Maaari rin aniyang maging mabilis ang pagkilos ng mga mambabatas para pag-aralan ang paghihigpit dahil sa nabanggit na insidente.

Ang pahayag na ito ay matapos na ipag-utos ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang temporary blocking ng online game GoreBox habang nakakasa ang imbestigasyon.

Sinabi ng CICC, ang precautionary measure ay bunsod ng inisyal na police findings na isa sa mga estudyante na umatake na regular na naglalaro ng online game.

Gayunman, binigyang diin ng mga awtoridad na sa ngayon ay hindi pa nae-establish ng mga imbestigador ang direktang ugnayan sa pagitan ng online game at pamamaril at ang imbestigasyon ay nananatiling nagpapatuloy. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here