MANILA, Philippines – Hindi pa naghahanda si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng kanyang legal defense sa impeachment complaints na inihain laban sa kanya, ayon sa Malakanyang nitong Martes, Pebrero 3.
Inaasahang pagbobotohan ng House Committee on Justice ang dalawang impeachment cases kung ito ay sufficient in substance ngayong araw, Pebrero 4.
“Ang sabi lang niya ay nandiyan ang proseso. Kung ano ang proseso, igagalang niya,” sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro sa briefing.
“Aalamin natin kung ano ang mangyayari sa proseso. Nandiyan naman po ang proseso, sasagot na lang ang Pangulo,” dagdag pa nito.
Ang dalawang impeachment complaints na inihain laban sa Pangulo ay nakitang sufficient in form ng house panel nitong Lunes. RNT/JGC