Home NATIONWIDE PBBM handang magkaloob ng SRI sa mga gov’t workers

PBBM handang magkaloob ng SRI sa mga gov’t workers

345
0

MANILA, Philippines – NAKATAKDANG magkaloob si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng one-time Service Recognition Incentive (SRI) sa mga empleyado ng gobyerno.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na inaasahan na lalagdaan ni Pangulong Marcos ang isang dokumento para isa-pormal ang pagpapalabas ng insentibo.

At nang tanungin kung dapat na bang asahan ng mga manggagawa sa gobyerno ang SRI at kung kailan ito ibibigay, sinabi ni Castro na “Hintayin po natin.”

Gayunpaman, tiniyak naman ni Castro sa mga government personnel na kaagad na maghahatid ang Malakanyang ng “good news” sa oras na maipalabas ang dokumento.

Matatandaang Disyembre 2024, nagpalabas si Pangulong Marcos ng administrative order (AO) 27 na nagpapahintulot sa paggawad ng Service Recognition Incentive (SRI) sa kwalipikadong government personnel para sa fiscal year 2024, kabilang ang mga guro at military and uniformed personnel, na makatatanggap ng tig-P20,000.

Samantala, ang detalye ng ‘specific amount’ at ang iskedyul ng pagpapalabas ng SRI ngayong taon ay iaanunsyo sa oras na maipalabas na ang AO. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here