Home NATIONWIDE PBBM, itinalaga si Vice Admiral Supangan bilang bagong PCG commandant

PBBM, itinalaga si Vice Admiral Supangan bilang bagong PCG commandant

1
0

MANILA, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Vice Admiral Rommel A. Supangan bilang bagong Commandant ng Philippine Coast Guard (PCG).

Pinalitan ni Supangan si Admiral Ronnie Gil Gavan, na nagretiro na mula sa serbisyo.

Inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro ang appointment ni Supangan sa press briefing sa Malakanyang, araw ng Lunes.

Si Supangan, isang miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Marilag” Class of 1995, ay nagsilbi sa PCG ng mahigit sa tatlong deklada, humawak ng mga pinakamahalagang leadership positions sa maritime operations, environmental protection, at strategic affairs.

Bago pa ang kanyang appointment, nagsilbi si Supangan bilang Commander ng PCG Marine Environmental Protection Command mula Pebrero hanggang Oktubre 2026 at Commander ng Coast Guard Fleet mula Hunyo 2025 hanggang Oktubre 2026.

Nagsilbi rin siya bilang Acting Director ng Coast Guard Strategic Studies and International Affairs Center mula Hunyo 2025 hanggang Pebrero 2026 at pinamunuan noon ang Coast Guard District Palawan.

Si Supangan ay nakakuha ng Bachelor of Science degree sa Naval System Engineering mula sa PMA at isang Master of Science in Maritime Affairs, major in Marine Environment and Ocean Management, mula sa World Maritime University sa Sweden.

Kabilang naman sa mga karangalan na nasungkit ni Supangan ay ang PMA Cavalier Award for Coast Guard Operations sa ilalim ng Senior Officer Category at unit commendations for Coast Guard District Palawan.

“Si Admiral Supangan ang papalit kay retired Admiral Ronnie Gil Gavan at magpapatuloy sa mandato ng Philippine Coast Guard na pangalagaan ang ating mga baybayin at siguruhin ang kaligtasan at seguridad sa ating mga nasasakupang karagatan,” ayon kay Castro. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here