Home NATIONWIDE PBBM, maaaring magtalaga ng pangulo ng Maharlika Fund managing company —IRR

PBBM, maaaring magtalaga ng pangulo ng Maharlika Fund managing company —IRR

MAAARING magtalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng President and Chief Executive Officer (PCEO) ng Maharlika Investment Corporation (MIC).

Sa ilalim ng Section 39 ng implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund, nakasaad dito na ang PCEO ay dapat na italaga ng Pangulo ng Pilipinas, gaya ng inirekumenda ng Advisory Body, para sa terminong tatlong taon , “without prejudice to reappointment.”

“The PCEO shall direct and supervise the operations and internal administration of the MIC and shall be charged with the risk management, financial performance, human resources, accounting, and legal affairs of the MIC,” ayon sa IRR.

“The PCEO is also mandated to develop the MIC’s business prospects by studying the economic trends and revenue opportunities; projects acquisition and expansion prospects; and oversee financial performance and risk profiles while ensuring that all of regulatory obligations are met,” ayon pa rin sa IRR.

“Further, the PCEO of the MIC shall serve as the vice chairperson of the Board of Directors, which will ensure that all allowable investments are in accordance with the principle of sustainability,” ang nakasaad pa rin sa IRR.

Buwan ng Hulyo nang lagdaan ni Pangulong Marcos ang
Maharlika Investment Fund (MIF) Act of 2023 sa Palasyo ng Malakanyang kung saan inilagay ang kauna-unahang sovereign wealth fund ng Pilipinas na susuporta sa mga layunin sa ekonomiya ng Administrasyon.

“Ang MIF ay isang matapang na hakbang tungo sa makabuluhang pagbabago ng ekonomiya ng ating bansa,” pahayag ni Pangulong Marcos sa seremonya ng paglagda.

“Just as we are recovering from the adverse effects of the pandemic, we are now ready to enter a new age of sustainable progress, robust stability, and broad-based empowerment.”

Sa paglagda ng Republic Act (RA) No. 11954 bilang batas, ang bansa ay magkakaroon ng kapasidad at kakayahan na mamuhunan sa lahat ng napakahalagang proyektong ito tulad ng agrikultura, imprastraktura, digitalization pati na rin ang pagpapalakas ng value chain.

Ang mga institusyong financing ng gobyerno ay magsasama-sama na ngayon ng mga mapagkukunang pinansyal na hindi utang para hindi maalis ang iba pang mga obligasyon sa pagpapautang na kailangan nilang tuparin sa ilalim ng kani-kanilang mga mandato.

Higit pa rito, ang pondo ay may potensyal na mag-funnel sa panlabas na financing, na binabawasan ang pasanin ng pamahalaan upang tustusan ang imprastraktura sa pamamagitan ng mga paghiram, mga buwis.

“Through the fund, we will accelerate the implementation of the 194 National Economic and Development Authority Board-approved, NEDA-approved, flagship infrastructure