Home NATIONWIDE PBBM nagbiro: FL Liza, magiging bahagi ng kanyang Gabinete

PBBM nagbiro: FL Liza, magiging bahagi ng kanyang Gabinete

257
0

MANILA, Philippines – Nagbiro si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ginamit ang isyu ng Cabinet shakeup sa kanyang talumpati sa 2025 Bagong Bayani Awards.

Sa kanyang pagbibigay- pugay sa mga Bagong Bayani Awardees, binanggit ni Pangulong Marcos ang kanyang asawa na si Unang Ginang Louise ”Liza” Araneta-Marcos, na dahil madalas ang pag-byahe ng huli sa Europa para tulungan ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga aktibidad nito ay ambassador na ang Unang Ginang para sa migrant workers.

”She has become our ambassador now for migrant workers, it’s your new designation. ‘Di ba magka-Cabinet shakeup tayo? So kasama ka na doon…” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati.

Ang pahayag ng Pangulo ay kasunod ng pinakabagong Cabinet revamp, kung saan kamakailan lamang ay nagbitiw sa puwesto sina dating executive secretary Lucas Bersamin at dating Budget secretary Amenah Pangandaman sa administrasyong Marcos.

Si Bersamin ay pinalitan ni Finance Secretary Ralph Recto habang si Pangandaman naman ay pinalitan ni Budget Undersecretary Rolando Toledo.

Itinanggi ni Bersamin na nagbitiw siya sa puwesto taiwas sa naging pahayag ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na nagbitiw sa tungkulin si Bersamin ‘out of delicadeza.’ (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here