Home HOME BANNER STORY PBBM nagpatupad ng WFH arrangement sa gov’t employees sa 3 lalawigan ngayong...

PBBM nagpatupad ng WFH arrangement sa gov’t employees sa 3 lalawigan ngayong araw

2
0

MANILA, Philippines – BUNSOD ng patuloy na malakas na pagbuhos ng pag-ulan sanhi ng Southwest Monsoon at rekumendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, nagpatupad ang Malakanyang ng work from home (WFH) arrangement sa mga tanggapan ng gobyerno sa lalawigan ng Zambales, Bataan, at Occidental Mindoro, araw ng Martes, Agosto 11,2026.

Ito ang nakasaad sa Memorandum Circular No. 124 na ipinalabas ng Malakanyang, nilagdaan ni Acting Executive Secretary Ralph Recto sa pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Bukod sa WFH arrangement, nakasaad din sa Circular na maliban na lamang kung ipag-uutos ng kani-kanilang mga Local Chief Executives, ang alternative learning modes para sa mga klase sa lahat ng antas sa public at private schools sa mga nasabing lugar ay dapat ding ipatupad sa mga nasabing lugar.

Ang mga ahensiyang may kinalaman sa paghahatid ng basic at health services, kahandaan at pag-responde sa mga sakuna at kalamidad. at /o pagganap sa ibang mahalagang serbisyo ay ipinag-utos na ipagpatuloy lamang ang kanilang operasyon at pagbibigay ng kinakailang serbisyo.

Idagdag pa rito, ang localized cancellation o suspensyon ng mga klase at o trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa ibang lugar ay maaaring ipatupad ng kani-kanilang Local Chief Executives, alinsunod sa kaugnay na batas at rules and regulations.

Ang suspensyon ng trabaho o adopsyon ng alternative work arrangements para sa mga pribadong kompanya at tanggapan ay ipinauubayan na ng Malakanyang sa diskresyon ng kani-kanilang pinuno.

Ang nasabing Circular ay kagyat na magiging epektibo. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here