Home NATIONWIDE PBBM nais na isapinal code of conduct ng South China Sea sa...

PBBM nais na isapinal code of conduct ng South China Sea sa ASEAN

3
0

MANILA, Philippines – NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isapinal ang Code of Conduct (COC) sa South China Sea sa nalalapit na 49th Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit.

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ang pagselyo ng kasunduan ay matagal nang nilalayon ng Pangulo, naglalayon kasi ito na tulungan na mapababa ang tensyon sa pinagtatalunang katubigan.

At nang tanungin kung ang COC ay mapa-plantsa sa panahon ng Asean Summit na nakatakda sa Nov. 15 hanggang 17, ang sinabi ni Castro ay “Alam naman natin na isa ito sa nais ng Pangulo na ma-finalize.”

Sinabi ni Castro na umaasa ang Pangulo na makararating din sa kasunduan kahit pa malapit nang magtapos ang pagho-host ng Pilipinas ng Asean Summit.

“Ang nais ng Pangulo ay magandang makikipagrelasyon sa lahat ng bansa at kung anuman ang maaaring maging agreement para sa kapayapaan ng rehiyon, iyon ang nais ng Pangulo,” aniya pa rin.

Ang panukalang Code of Conduct ay naglalayon na magtatag ng mga tuntunin na gagabay sa gawi ng mga bansa sa pinagtatalunang katubigan at para pigilan ang mga insidente na maaring mauwi sa armed conflict.

Sa ulat, in-adopt ng Asean at Tsina ang nonbinding Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea noong 2002, subalit ang negosasyon para sa mas komprehensibong kasunduan ay nagpatuloy ng ilang dekada. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here