Home HOME BANNER STORY PBBM nanawagan ng pagkakaisa ngayong Eid’l Fitr

PBBM nanawagan ng pagkakaisa ngayong Eid’l Fitr

MANILA, Philippines – PAGKAKAISA ang naging panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa gitna ng magkakaibang paniniwala at pilosopiya ng mga Filipino habang nakikiisa sa mga kapatid na Muslim sa Pilipinas at sa ibang bansa na nagdiriwang ngayon ng Eid’l Fitr o Festival of Breaking the Fast.

Binigyang diin ni Pangulong Marcos sa kanyang written message na ipinalabas ng Office of the President (OP), ang kahalagahan ng naturang pagdiriwang para sa “spiritual renewal” ng mga Muslim matapos ang month-long observance ng Ramadan na may pagdarasal, sakripisyo at pagdurusa.

“Truly, the Festival of Breaking the Fast marks not only the culmination of Ramadan, but also the rededication of one’s journey towards a more disciplined, dignified, and gracious life,” ayon sa Pangulo.

“As you take to heart the insights from your devotion, may you become shining examples of humility, peace, and strength among our people as they overcome challenges and nurture their trust in the Almighty,” dagdag na wika ng Pangulo.

Umaasa naman ang Pangulo na mananaig ang pagkakaisa at pagdamay sa kabila ng magkakaibang paniniwala ng mga Filipino.

“It is also my sincere hope that, despite our diversity in beliefs and philosophies, we will remain united by our shared aspiration for a more progressive and resilient nation moving forward,” ayon sa Pangulo.

“Let us strive to forge a society where love prevails over indifference, where faith outshines fear, and where oneness conquers division and discord,” aniya pa rin.

Ang Pilipinas, isang bansa kung saan nakararami ang Kristiyano ay tahanan ng 7 milyong Muslim, mayorya ay mula sa Mindanao.

Samantala, idineklara naman ng Pangulo na regular holiday, ang araw ng Miyerkules, Abril 10 sa buong bansa upang dalhin ang “religious and cultural significance of Eid’l Fitr to the core of national consciousness” at pahintulutan ang buong sambayanang Filipino na makiisa sa mga kapatid na Muslim sa kapayapaan at pagkakaisa. Kris Jose