Home NATIONWIDE PBBM nasa Melbourne na para sa ASEAN-Australia Special Summit

PBBM nasa Melbourne na para sa ASEAN-Australia Special Summit

MANILA, Philippines- Dumating na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Melbourne, Australia para sa ASEAN-Australia Special Summit.

Mainit na sinalubong ng mga Australian government officials si Pangulong Marcos kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos at ang Philippine delegates.

Lumapag ang PR 001 na sinakyan ng Pangulo at ng kanyang entourage sa Melbourne Airport ng alas-7:15 ng gabi (Australia time) o alas-4:15 ng hapon sa Pilipinas.

Sa ASEAN-Australia Special Summit, uulitin ng Pangulo ang posisyon ng Pilipinas sa regional at international issues at pasasalamatan ang Australian government para sa patuloy na suporta sa rule of law.

Inaasahan naman na magkakaroon ng bilateral meeting si Pangulong Marcos kasama sina Prime Ministers Samdech Hun Manet ng Cambodia at Christopher Mark Luxon ng New Zealand; makakapulong din niya ang Filipino community sa Melbourne at ipo-promote ang negosyo sa pamamagitan ng Philippine Business Forum ng Department of Trade and Industry; at magbibigay ito ng talumpati sa Lowy Institute kung saan ay bibigyang-diin ang papel ng Pilipinas bilang ‘active participant’ sa world affairs at contributor sa rules-based regional security architecture.

Ang bilateral ties sa pagitan ng Pilipinas at Australia ay itinatag noong Hulyo 4, 1946.

Matatandaang kapwa tinintahan nina Pangulong Marcos at Australian Prime Minister Anthony Albanese ang isang kasunduan noong Setyembre ng nakaraang taon, itinaas ang bilateral relationship ng Pilipinas at Australia mula komprehensibo sa strategic partnership.

Patuloy namang sinusuportahan ng Australia ang Pilipinas bilang ika-11 na pinakamalaking pinanggagalingan ng Official Development Assistance na may ‘grant commitments’ na nagkakahalaga ng USD180.4 million.

Nagsisilbing tahanan ng 408,000 Filipino at Australians na may lahing Filipino ang Australia.

Samantala, maliban kay Pangulong Marcos, ang mga opisyal na bisita ng Australian government ay sina Prime Ministers Anwar Ibrahim ng Malaysia, Sonexay Siphandone ng Laos, at Pham Minh Chính ng Vietnam.

“Australia is proud to be ASEAN’s first Dialogue Partner, sharing 50 years of mutual respect and cooperation with our friends in Southeast Asia,” ayon kay Albanese sa isang kalatas.

“Building Australia’s links with the countries of Southeast Asia is a priority for the Government. The Special Summit commemorates our shared history and focuses firmly on the future — on how we can deepen our ties and Australia’s engagement with our region,” dagdag dito. RNT/SA