MANILA, Philippines – SA UNANG putok pa lang ng gulo na nangyayari sa Gitnang Silangan ay iginiit na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga ahensiya na ipagpatuloy at paigtingin pa ang pagmo-monitor sa kalagayan ng mga Pilipino sa mga apektadong lugar.
“Malinaw na ang utos ng Pangulo nitong February 28 – ibigay ang lahat ng tulong ng pamahalaan sa ating mga kababayan na naiipit sa nangyayaring kaguluhan sa Middle East,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro Palace Press Officer Claire Castro.
“Kahapon, March 1, ay nagbigay muli ng mensahe ang Pangulo at inulit ang utos sa DFA, DMW at iba pang ahensiya na i-monitor ang sitwasyon at siguruhin na makakarating ang tulong ng pamahalaan para sa kaligtasan ng ating mga kababayan,” aniya pa rin.
Tiniyak naman ni Castro na nananatiling handa ang mga sangay ng gobyerno sa posibleng repatriation ng mga filipino sa oras na magbukas ang airspace ng Middle East.
“Ito ang pangako at ni Pangulong Marcos Jr,” ani Castro.
Samantala, maaari naman aniyang tumawag ang mga filipino sa OWWA emergency hotline numbers upang idulog ang kanilang mga pangangailangan.
Ang mga ito ani Castro ay ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) emergency hotlines are for Metro Manila -1348, for Regional -02-1348, via Viber +63-915-079-5005 (Globe), +63-969-169-7068 (Smart), +63-966-473-9543 (Globe) KRIS JOSE