Home NATIONWIDE PBBM pinagkalooban ng posthumous award si Toots Ople

PBBM pinagkalooban ng posthumous award si Toots Ople

211
0

MANILA, Philippines – PINAGKALOOBAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng posthumous award (Order of Lakandula) ang namayapang si Department of Migrant Workers (DMW) secretary Susan “Toots” Ople.

Sa isinagawang conferment ceremony, araw ng Martes, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang pagiging ‘extraordinary public servant’ ni Ople na hindi iniwan ang government service habang nagpapatuloy ang kanilang legacy para protektahan ang mga tao na kanilang pinagsisilbihan kahit pa sila’y pumanaw.

Sinabi ni Pangulong Marcos na ipagpapatuloy ng administrasyon ang mga proyekto ni Ople para sa kapakanan ng overseas Filipino workers.

“That sort of eloquence does not come from reading, from study… it comes from the true belief that this is the work that she was put on Earth to do,” ayon kay Pangulong Marcos.

Ani Pangulong Marcos, palaging tinutulungan ni Ople ang mga filipino sa paniniwalang hindi dapat binabalewala ang mga ito at napag-iiwanan.

Inamin ni Pangulong Marcos na nagsisi siya nang hindi niya naibigay ang nasabing award kay Ople noong nabubuhay pa ito. Si Ople ay hindi lamang isang nakamamanghang public servant, kundi isang nakamamanghang tao.

“She is one of the best people I have met in my life,” ayon kay Pangulong Marcos, sabay sabing ang pamumuno ni Ople ay may kaakibat na pinangunahan ni Ople ang pagmamalasakit at kadalubhasaan at isang “very strong moral hand.”

Matatandaang Agosto 2023 nang pumanaw si Ople. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here