Home Uncategorized PBBM sa DOE: Power situation tugunan

PBBM sa DOE: Power situation tugunan

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Energy (DoE) na kagyat na tugunan ang energy situation sa bansa kasunod ng red alert na deklarasyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

“In light of the recent Red and Yellow Alerts in the Luzon Grid, I have instructed the Department of Energy to closely monitor and coordinate with all stakeholders to address the situation,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang post sa X (dating Twitter).

Inatasan din ng Pangulo ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na “to set the standard in conserving energy and minimizing power consumption.”

“At this time, it is crucial that we all work together to ensure a stable power supply for the next couple of days. Let’s adopt energy-efficient practices and stand together to overcome this challenge,” dagdag na wika ng Chief Executive.

Sa kabilang dako, sinabi ng NGCP na ang grid ay kasalukuyang nasa ilalim ng red alert matapos na puwersahang itinigil ang 20 power plants na naging dahilan ng power interruptions sa ilang lugar.

Sa kabilang dako, ipinahihiwatig ng red alert status na ang power supply ay ‘insufficient’ o kapos na matugunan ang demand ng mga konsyumer at ang regulating requirement ng transmission grid.

Samantala, inanunsyo ng Meralco na maaari silang magpatupad ng one-hour manual load dropping (MLD) o rotating power interruptions sa pagitan ng alas- 2:00 ng hapon hanggang alas-4:00 ng hapon sa franchise area nito kasunod ng naging deklarasyon ng NGCP na red alert sa Luzon grid. Kris Jose