Home NATIONWIDE PBBM sa mga batang Pinoy innovator: Patuloy na gamitin talento sa pagtulong...

PBBM sa mga batang Pinoy innovator: Patuloy na gamitin talento sa pagtulong sa Pilipinas

2
0

MANILA, Philippines – NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga batang pinoy innovators na patuloy na gamitin ang kanilang talento at i-develop ang mga teknolohiya na makatutulong na mapahusay pa ang buhay ng kanilang mga kababayan.

Ito’y matapos na magpunta ang mga miyembro ng Philippine Robotics National Team (PRNT) sa Palasyo ng Malakanyang para sa courtesy call, kasunod ng kanilang ‘recognition and achievements’ sa iba’t ibang international robotics competitions.

“Congratulations to everyone… Well done. Siyempre naman talagang napapakita muli na ang Pilipino ay kayang makipagsabayan kahit saan, kahit kanino,” ang pagbati ni Pangulong Marcos.

“You’re young and you have a long way to go. So keep going, and in that way, you improve the ease of living here in the Philippines for your countrymen,” dagdag na wika nito.

Winika ng Pangulo na ang tagumpay ng mga estudyante ay sumasalamin din sa “how capable Filipinos are, how dedicated they are, and how hardworking they are.”

Kaya nga hinikayat ng Pangulo ang mga ito na ipagpatuloy lamang ang kanilang ideya at inobasyon sa kabila ng mga hamon.

“Once you get an idea, don’t let go of it because it really matters. Stay with it even when it gets hard, even when you lose spirit for a little while. Stay with it… And it will all be worth the effort,” ang sinabi pa rin ng Pangulo.

Sa nasabing courtesy call, sinaksihan ng Pangulo ang live demonstrations ng ilang award-winning robotics projects na dinebelop ng mga estudyante.

Kabilang na rito ang SYLAX – isang assistive mobility device na dinisenyo para sa mga batang mayroong cerebral palsy; TUKLAS – isang teknolohiya na makatutulong sa mga archaeologists na mahanap at mai-dokumento ang cultural artifacts; at FRANCIS – isang AI-powered companion robot na dinisenyo para tumulong sa sambahayan at ma-detect ang mga emergency. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here