MANILA, Philippines – IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa National Irrigation Administration (NIA) na pakinggan ang mga alalahanin ng mga magsasaka at maayos na gamitin ang farm machinery na ipagkakaloob ng gobyerno.
”Kaya po ang hiling ko sa lahat ng kawani ng NIA, ingatan, alagaan, at gamitin ninyo ang mga sasakyan at pasilidad nang wasto,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati.
”Saksi ako sa inyong sipag [sa] paglilingkod sa ating mga magsasaka. Ngunit, hiling ko sa inyo na paigtingin pa ang inyong pagsisilbi. Makinig sa kanilang mga hinaing,” dagdag na wika nito.
Sinabi naman ni Pangulong Marcos sa NIA na agad na tugunan ang pangangailangan ng mga lokal na magsasaka.
Nauna rito, pinangunahan ni Pangulong Marcos, araw ng Lunes ang ceremonial turnover ng 229 mga bagong biniling sasakyan at maintenance equipment sa iba’t ibang asosasyon ng mga irrigator (irigador) sa iba’t ibang lugar sa bansa para palakasin ang irrigation services at suportahan ang mga magsasaka na nahaharap sa lumalalang epekto ng climate change.
Ang equipment — binubuo ng ‘dump trucks, backhoes, excavators, at 17 mini buses. Ang mga ito ang bumubuo ng third tranche ng National Irrigation Administration’s (NIA) Re-fleeting program at dinisenyo para palakasin ang kakayahan ng ahensiya na panatilihin at i-develop irrigation systems na mahalaga para sa agricultural production.
Sa pagsasalita sa turnover rites sa Barangay Wawa, Taguig City, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang agarang pagsuporta sa mga magsasaka sa gitna ng matinding kondisyon ng panahon , kabilang na ang El Niño phenomenon.
“Napakahalaga ngre-fleeting programng NIA lalo na po sa panahon ngayon. Mabigat ang pagsubok na kinakaharap ng ating mga magsasaka na dulot ngclimate change —mas matinding init, mas malalang ulan, at pabago-bagong at hindi malaman na panahon,” ayon kay Pangulong Marcos. Kris Jose