Home NATIONWIDE PBBM sa PMA 2026 graduates: Katapatan ‘di para sa iisang indibidwal, political...

PBBM sa PMA 2026 graduates: Katapatan ‘di para sa iisang indibidwal, political interest

97
0

MANILA, Philippines – NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Sabado sa mga bagong gradweyt ng Philippine Military Academy (PMA) na umiwas mula sa politika.

Pinaalalahanan ang mga ito na ang kanilang katapatan ay para sa bansa at hindi para sa kaninumang indibiduwal.

Inihayag ng Pangulo ang kanyang mensahe sa isinagawang commencement exercises ng PMA “Talang Dangal” Class of 2026 sa Fort General Gregorio H. del Pilar sa Baguio City, ilang araw matapos na umapela si Senador Ronald “Bato” dela Rosa ng suporta sa bawat kabaro at mga kapwa sundalo na huwag payagan na ipagkanulo siya sa mga dayuhan sabay giit na sa mahabang panahon ay naging matapat siya sa pagseserbisyo sa bansa at sa mga Pilipino.

“As you take your oath today, remember that your loyalty is not to any political interest, not to any individual, nor any passing ideology. Your loyalty must always remain with the Republic of the Philippines,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

Binigyang diin ng Chief Executive na ang pag-unawa ay nananatiling mahalaga ngayon sa mga sundalong pinoy.

“Your ability to discern truth from deception is crucial to making sound decisions. But beyond your skills, the true strength of a soldier will always be rooted in integrity, discipline, and honor,” aniya pa rin.

Sa ulat, kinanta ni Senador Bato ang Philippine Military Academy (PMA) Hymn sa harap ng media kanina.

Buong pusong inawit ni Dela Rosa ang bahagi ng PMA Hymn na aniya’y isang mapayapang paraan ng paghingi niya ng suporta sa mga mistah sa akademya sa gitna na rin ng inilabas na warrant of arrest laban sa kanya ng International Criminal Court (ICC).

Ipinaalala din ni Dela Rosa na ang PMA Hymn ay ang paggiit ng pagiging malaya o soberenya ng bansa hanggang sa mga susunod na henerasyon.

Itinataguyod din aniya ng PMA Hymn ang values na pinahahalagahan ng akademya ang courage, integrity at loyalty.

Si Dela Rosa ay bahagi ng PMA Sinagtala Class of 1986.

Sa kabilang dako, sa naging talumpati pa rin ng Pangulo, ipinaalala nito sa mga bagong gradweyt ang tungkol sa pagseserbisyo na may dangal at commitment sa kanilang tungkulin sa mga mamamayang filipino.

Ang PMA batch ngayong taon na may bitbit na pangalang “Tagapagtanggol ng Lahing Dakila at Marangal,” ay binubuo ng 207 kadete — 142 lalaki at 65 naman ang babae.

Isang babaeng kadete mula Batangas, Cadet First Class Christine Kaye Librada, ang nanguna sa PMA graduating class ngayong taon. Apat na iba pa na babaeng kadete ang nasa Top 10.

“Throughout this mission, carry with you the honor code instilled in you by the Academy. Never lie, never cheat, never steal, and never tolerate those who do. Because silence in the face of wrongdoing is a betrayal of your values, a betrayal of your country, and a betrayal of the very principles that you have sworn to defend,” ang winika ng Pangulo.

“Along the way, you will encounter a lot of forks in the road that will test your resolve, placing you in situations where you must choose between difficult options. But as long as you remain faithful to our flag and committed to serving our citizens, you will never lose direction,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, bago pa ang Senate shooting incident, itinanggi na ng Malakanyang na nakatanggap ito ng impormasyon hinggil sa sinasabing destabilization efforts laban kay Pangulo.

Gayundin, sinabi ng Department of National Defense (DND) na wala silang na-monitor na destabilization efforts sa hanay ng active ranks ng AFP sa gitna ng posibleng impeachment ni Vice President Sara Duterte, malapit na kaalyado ni Dela Rosa. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here