Home HOME BANNER STORY PBBM ‘satisfied’ sa imbestigasyon ng ICI

PBBM ‘satisfied’ sa imbestigasyon ng ICI

227
0

MANILA, Philippines – SATISFIED si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nagpapatuloy na imbestigasyon na isinasagawa ng Independent Commission for Infrastructure (ICI), subalit nananatiling bukas sa suhestiyon kung paano palalakasin ang kapangyarihan at tungkulin nito.

Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro nang tanungin sa press briefing sa Malakanyang kung ‘satisfied’ si Pangulong Marcos sa isinasagawang imbestigasyon ng ICI ukol sa di umano’y food control anomalies.

”Kung may igaganda pa, hindi naman po ito sasarhan ng Pangulo pero sa ngayon po, sa nakikita po natin, maganda po ang itinatakbo ng pagiimbestiga ng ICI,” ang sinabi ni Castro.

”Kung may igaganda pa, hindi naman po ito sasarhan ng Pangulo pero sa ngayon po, sa nakikita po natin, maganda po ang itinatakbo ng pagiimbestiga ng ICI,” ang pahayag ni Castro.

Ang paliwanag pa ni Castro, mas makabubuti na mas maraming “ngipin” ang ICI sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Binanggit pa rin ni Castro na ang mga opisyal na ipinatatawag ng ICI ay ‘cooperative at responsive’ sa request ng body.

”Mas maganda po talaga na magkaroon ng ngipin, pangil ang ICI. Pero sa ngayon po nakikita naman po natin na maganda ang itinatakbo ng ICI. Pag nagpatawag po sila, kahit mga senador, mga miyembro ng Kongreso, sila naman po ay tumutugon at nagbibigay ng pahayag,” ang winika ni Castro.

”So sa ngayon po, maganda po ang itinatakbo ng ICI at ginagalang po ng mga witnesses or mga pinapatawag or diumanong concerned parties, ginagalang nila ang ICI at tumutugon sila sa patawag,” anito.

Sa ulat, pinuna ni House Senior Deputy Minority Leader Edgar Erice ang Independent Commission on Infrastructure (ICI) noong Linggo, at tinawag itong “paper tiger” dahil sa kawalan nito ng sapat na awtoridad na mag-imbestiga sa mga maanomalyang flood control projects.

Sinabi ni Erice na ang ICI, na nilikha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay walang sapat na legal na kapangyarihan upang mabisang maisagawa ang mandato nito.

Nagbabala din siya na kung walang maayos na batas, maaaring mabigo ang komisyon na panagutin ang mga opisyal para sa overpriced o maanomalyang mga proyektong pang-imprastraktura.

“Paper tiger. Hindi naman talaga independent [ang ICI] dahil ang nagpapasweldo ay ang Executive branch, ang Pangulo, kaya anytime, pwede niyang i-abolish ‘to,” saad ni Erice.

“Wala ring contempt power. Wala ring financial and forensic audit na kapangyarihan para sa ledgers ng contractors. ‘Yung access to infra records sa DPWH, COA pati ‘yung witness protection at whistleblower mechanism papaano?” dagdag niya.

“So marami talagang kakulangan ng ICI na ginawa na ito at baka lumabas na ito ginagawa lang to pacify our people,” aniya pa rin.

Sa ilalim ng Executive Order 94, nilikha ang ICI upang imbestigahan ang mga umano’y maanomalyang proyektong pang-imprastraktura at tiyakin ang pananagutan sa paggamit ng pampublikong pondo.

Nauna nang sinabi ng mambabatas na maaaring magpatawag ng special session ang House of Representatives para harapin ang panukalang batas na magpapalakas sa ICI.

Idinagdag ni Erice na itinulak niya ang isang espesyal na sesyon matapos sabihin ng mga kontratista na sina Sarah at Curlee Discaya na hindi na sila makikipagtulungan sa ICI. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here