Home NATIONWIDE PBBM umapela sa labor sector, TPB plan ipatupad nang mabuti

PBBM umapela sa labor sector, TPB plan ipatupad nang mabuti

MANILA, Philippines – UMAPELA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sektor ng paggawa na tiyakin na episyente ang implementasyon ng Trabaho Para sa Bayan (TPB) plan, makatutulong na makalikha ng 3 milyong bagong trabaho sa 2028.

Sa idinaos na kauna-unahang 2024 National Employment Summit sa Maynila, sinabi ni Pangulong Marcos na ang TPB ay isang 10-year roadmap na magsisilbi bilang national guide tungo sa ‘greater employment generation and recovery.’

“In line with our priorities, and the outcomes that we desire, and strategies stated in the Philippine Development Plan, the Philippine Labor and Employment Plan, the Strategic Investment Priority Plan, and the Workforce Development Plan, the TPB Plan will be one of the driving forces to help create at least three million new jobs by the year 2028,” ayon kay Pangulong Marcos.

Tinuran pa ng Punong Ehekutibo na maliban sa makalilikha ng trabaho, target din ng pamahalaan na makalikha ng “quality jobs, with special emphasis on ensuring workers’ welfare, empowerment, competitiveness, and security in all sectors of our labor sector.”

Iyon aniya ang dahilan kung bakit ayon sa Pangulo ay ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng makakaya nito para tugunan ang ‘job-skills mismatch, underemployment, at unemployment’ sa pamamagitan ng reporma sa basic education curriculum, pagtatakda ng TVET o Technical and Vocational Education and Training sa Senior High School curriculum, at implementasyon ng ’employment facilitation initiatives.’

“Most of the labor statistics improved from April 2023 to 2024”, ayon sa Labor Force Survey ‘as of June 6′ ngayong taon, kung saan bahagyang tumaas ang employment rate mula 95.50% ay naging 96% at tumaas din ang ’employed individuals’ mula 48.06 milyon ay naging 48.46 milyon.

Bumaba naman ang unemployment rate ng bansa mula 4.5% ay naging 4%.

Gayunman, makikita sa Labor Force Survey na tumaas ang underemployed individuals mula 12.90% ay naging 14.60% habang ang labor force participation rate ay tumaas mula 64.10% at naging 65.10%.

Samantala, base naman sa Philippine Labor Market, ang service sector ay nakakuha ng 61.40% ng labor industry, sinundan ng agricultural sector na 20.30% habang ang natitirang 18.30% ay napunta sa industry sector. Kris Jose