Home NATIONWIDE PCG, AFP, PNP, nagsanib-puwersa sa pagsasanay kontra lindol

PCG, AFP, PNP, nagsanib-puwersa sa pagsasanay kontra lindol

1
0

MANILA, Philippines – Pinalakas ng Philippine Coast Guard (PCG), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang kanilang kahandaan sa pagtugon sa iba’t ibang emergency, kabilang ang magnitude 7.8 na lindol.

Isinagawa ng tatlong uniformed services ang Field Training Exercise (FTX) na may temang “BAYANIHAN: One Team, One Nation, One Response” upang palakasin ang koordinasyon, interoperability, command and control, at kahandaan sa posibleng malawakang lindol.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, ipinamalas ng tatlong ahensya ang kanilang kakayahang magtulungan sa multi-hazard emergency scenario, kabilang ang mass evacuation, collapsed structure search, rescue and retrieval, at maritime search and rescue operations.

Sinabi naman ni PCG spokesperson Commodore Noemie Cayabyab na tatlong araw isinagawa ang pagsasanay, na nagsimula noong Setyembre 30 at magtatapos ngayong Oktubre 2.

Samantala, umarangkada ngayong umaga ang Regional Marine Pollution Exercise o MARPOLEX. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here