Home METRO PCG magtatayo ng kauna-unahang ospital nito sa Taguig

PCG magtatayo ng kauna-unahang ospital nito sa Taguig

294
0

MANILA, Philippines – Magtatayo ng kauna-unahang ospital nito ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Taguig City upang magkaroon ng access ang mga tagapag-alaga mula sa 36,289 kilometer-long-coastline sa modern medical facilities at de kalidad na healthcare services.

Pinangunahan ni PCG Commandant Adm. Ronnie Gil Gavan ang groundbreaking ceremony para sa PCG General Hospital sa M.L. Quezon Boulevard, New Lower Bicutan sa Taguig City noong Martes, Oktubre 21.

Ang medical facility ay may budget na P749,294,138.39 at ang kontrata ay iginawad sa Jazy Inc., isang construction company na nakabase sa Pasig City.

Inaasahang matatapos ang konstruksyon sa loob ng tatlong at maglalaman din ng Coast Guard First Responder at Nursing Service Facility.

Nabanggit ni Gavan na ang pagtatatag ng ospital at ang unang responder building ay sinusuportahan ng isang batas.

Sinabi niya na ang mga pasilidad ay likas na kinakailangan para sa coast guard, na idiniin ang kritikal na papel ng PCG sa pagtugon sa kalamidad.

Ang lahat ng mga tauhan ng PCG at mga retirado, kabilang ang kanilang mga malapit na pamilya, ay maaaring ma-accommodate ng mga pasilidad pangkalusugan nang walang bayad, ani PCG spokesperson Captain Noemie Cayabyab.

Tiniyak ni Gavan sa publiko na ang infrastructire projects ay itatayo sa pinaka-epektibong paraan. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here