Home NATIONWIDE PCG: Mga mangingisdang Pinoy nakapangingisda sa Bajo de Masinloc sa kabila ng...

PCG: Mga mangingisdang Pinoy nakapangingisda sa Bajo de Masinloc sa kabila ng mga banta

MANILA, Philippines- Patuloy na nakakapangisda ang mga Filipino sa Bajo de Masinloc sa kabila ng banta ng presensya ng China Coast Guard (CCG) sa baybayin, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Jay Tarriela na sa pagsasagawa ng maritime patrol sa Bajo de Masinloc kasama ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na naman ng mga mamahayag noong nakaraang linggo, na-monitor nila ang mahigit 54 mother vessels.

Sinabi ni Tarriela na 11 taon na ang nakalipas mula nang makontrol ng China, sa pamamagitan ng pag-deploy nito ng CCG, ang lagoon ng Bajo de Masinloc na isang mainam na lugar para mangisda at masilungan. Ito ay kasunod ng standoff noong 2012 na nagtulak sa gobyerno ng Pilipinas na magsampa ng arbitration case laban sa Beijing.

Patuloy namang binabakewala ng China ang 2016 arbitral tribunal ruling at patuloy na inaangkin ang South China Sea.

Ang desisyon ay pabor din sa Pilipinas sa mga lugar ng exclusive economic zone (EEZ) at continental shelf na inaangkin ng Beijing.

Kilala rin nilang Panatag o Sacrborough Shoal ang Bajo de Masinloc, na bahagi ng munisipalidad ng Masinloc, Zambales. Ito ay matatagpuan 124 nautical miles (NM) west ng probinsya at nasa 200 NM EEZ ng Pilipinas .

Sinabi ni Tarriela na ang mga Filipinong mangingisda ay hindi pa rin makapasok sa lagoon na huling namataan na binabantayan ng CCG vessels sa loob at labas. Gayunman, nakapangingisda pa rin sila kahit sa paligid ng lugar.

Hinihikayat naman ng PGC at BFAR ang marami pang mangingisda na maglayag sa pamamagitan ng pamamahagi ng tulong sa gasolina at grocery. Jocelyn Tabangcura-Domenden