Home METRO PDEA agent utas sa shootout sa Laguna

PDEA agent utas sa shootout sa Laguna

357
0

MANILA, Philippines — Patay ang isang agent ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos makipagbarilan sa isinagawang buy-bust operation sa Laguna.

Sa isang pahayag nitong Huwebes, kinilala ng ahensya ang agent na si Raffy Escobido, 31, isang intelligence officer para sa PDEA Regional Office Calabarzon Special Enforcement Team.

“Agent Escobido passed away while undergoing intensive care in a hospital [noong Miyerkules]. He succumbed to a gunshot wound in the head he suffered during a buy-bust operation,” paliwanag ng PDEA.

Naganap ang operasyon Linggo ng gabi sa open parking lot ng isang mall sa Barangay Real, Calamba City, ayon sa ahensya.

Layunin ng drug sting na mahuli ang isang suspek na kinilalang si “Mark” at ang kanyang katropa.

“Sensing the presence of the operatives, the two suspects quickly sped away onboard their vehicle, a Geely colored dark gray with plate number NIN-5940, while firing towards the arresting officers… The suspects were able to evade arrest,” saad ng PDEA.

Ipinahayag ni PDEA Director-General Isagani Nerez ang kanyang pakikiramay para sa pamilya ni Escobido at nangakong hahabulin ang mga suspek na umiwas sa pagkakaaresto. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here