Home NATIONWIDE PDP-Laban tutol sa bawas-16-vote requirement sa impeachment

PDP-Laban tutol sa bawas-16-vote requirement sa impeachment

1
0

MANILA, Philippines — Tinutulan ng PDP-Laban ang posibleng pagbaba ng kinakailangang 16 boto upang mahatulan si Vice President Sara Duterte sa impeachment trial, na ayon sa partido ay labag sa Konstitusyon.

Inilabas ng partido ang pahayag matapos talakayin sa ika-23 araw ng paglilitis ang posibleng pagbabago sa voting threshold dahil apat sa 24 na senador ang hindi nakalalahok sa proceedings.

Sa ilalim ng Article XI, Section 3(6) ng 1987 Constitution, kailangan ang pagsang-ayon ng dalawang-katlo ng lahat ng miyembro ng Senado upang mahatulan ang isang opisyal sa impeachment. Sa kabuuang 24 na senador, katumbas ito ng 16 boto.

Tinawag ni PDP-Laban spokesperson Ferdinand Topacio ang 16-boto na “immovable standard” na hindi umano maaaring baguhin batay lamang sa aktuwal na bilang ng mga senator-judge na nakadadalo.

Iginiit niyang malinaw ang layunin ng mga bumalangkas sa Konstitusyon at suportado umano ito ng mga deliberasyon ng Constitutional Commission at mga naunang desisyon ng korte.

Apat na senador ang kasalukuyang hindi nakalalahok sa paglilitis. Nakakulong sa magkahiwalay na kasong plunder sina Sens. Jinggoy Estrada at Rodante Marcoleta, habang pinaghahanap si Sen. Ronald dela Rosa dahil sa warrant of arrest mula sa International Criminal Court. Nagpapagamot naman sa ibang bansa si Sen. Loren Legarda dahil sa karamdaman sa baga.

Pinamumunuan ang PDP-Laban ni acting Davao City Mayor Sebastian Duterte, kapatid ng Bise Presidente. Wala pang pinal na pasya ang Senate impeachment court kung babaguhin nito ang 16-vote requirement. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here