Home METRO Pedicab driver na wanted sa kasong Anti-Hazing Law, nasakote

Pedicab driver na wanted sa kasong Anti-Hazing Law, nasakote

2
0

MANILA, Philippines – BUMAGSAK na sa kamay ng batas ang isang pedicab driver na wanted sa kasong Anti-Hazing Law matapos masakote ng tumutugis na kapulisan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, ang 41-anyos na akusado na residente ng lungsod ay nakatala bilang No. 9 sa Top Most Wanted Person sa NPD.

Ikinasa ng mga tauhan ni Col. Talento ang operation laban sa akusado kasunod ng natanggap na impormasyon hinggil sa kinaroroonan nito.

Dakong alas-3:20 ng hapon nang tuluyang makorner ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela CPS ang akusado sa Brgy., Coloong.

Isinilbi sa akusado ang warrant of arrest kaugnay ng paglabag sa Section 14(B)(I) ng R.A 11053 o Anti-Hazing Act of 2018, (4 counts) na inisyu ng Regional Trial Court Branch 282, Valenzuela City, noong September 20, 2024, na walang inirekomendang piyansa.

Gumamit din ang mga operatiba ng Body-Worn Camera (BWC) bilang bahagi ng pagsunod sa mga itinakdang police operational procedures sa pagsisilbi ng warrant.

Ayon kay Col. Talento, patuloy ang Valenzuela CPS katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pagtupad sa mandato nito na mapanatili ang kaayusan, seguridad, at kapayapaan sa komunidad. Merly Duero

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here