Home NATIONWIDE Permanenteng sistema sa presyo ng infra projects, pinasasabatas ni Chiz

Permanenteng sistema sa presyo ng infra projects, pinasasabatas ni Chiz

282
0

MANILA, Philippines – Nagsumite si Sen. Francis Escudero ng Senate Bill No. 1467 upang gawing permanenteng sistema ang Detailed Unit Price Analysis (DUPA) na magpapatatag sa pagbadyet ng mga proyekto sa imprastruktura at pipigilan ang overpricing.

Ayon sa panukala, dapat ang bawat proyekto ay tumugma sa aktwal na presyo sa merkado at may malinaw na teknikal na dokumentasyon.

Ani Escudero, “Hindi puwedeng tantiyahan lang ang halaga ng proyekto. Dapat may batayan, may detalye, at may pananagutan.” Dagdag niya, “Kapag malinaw ang presyo ng bawat pako, semento, at serbisyo, mas nagiging tapat ang paggastos ng gobyerno. Mas nakikita ng taumbayan kung saan napupunta ang bawat piso.”

Ipinag-uutos ng panukala na walang proyekto ang maisasama sa pambansang badyet o mapro-procure nang walang DUPA na nagdedetalye ng gastos sa paggawa, kagamitan, materyales, at iba pang kailangan. Kinakailangan din ng DPWH, DBM, COA, at NEDA na gumawa ng pambansang gabay sa pagtataya ng gastos, na i-uupdate tuwing tatlong taon, at magsagawa ng capacity-building para sa mga kawani. A

ng opisyal na magpapalsipika o magtatanggal ng datos sa DUPA ay maaaring ma-disqualify sa serbisyo publiko at masampahan ng kasong administratibo o kriminal.

Sa simula, sakop ng panukala ang FY 2026 projects ng mga pangunahing ahensya gaya ng Agrikultura, Edukasyon, Kalusugan, DPWH, at Transportasyon.

Ani Escudero, makakatulong ang DUPA system upang “pigilan ang di-makatarungang pagbadyet, isulong ang disiplina sa pananalapi, lumikha ng pondo para sa iba pang prayoridad, at magbigay ng teknikal at pinansyal na proteksyon laban sa korapsyon at hindi epektibong paggastos sa pampublikong pondo.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here