Home SPORTS Perpetual trophy nasungkit ng Fighting Maroons

Perpetual trophy nasungkit ng Fighting Maroons

199
0

WAGI ang University of the Philippines laban sa National University sa score na 79-65 upang tanghaling kampeon ng 2025 Filoil EcoOil Preseason Cup.

Sa panalo, sila ang unang koponang nanalo ng tatlong sunod na titulo sa torneo.

Dahil dito, iginawad sa kanila ang ECJ Perpetual Trophy — isang tropeo na nakalaan lamang sa koponang makakamit ng three-peat.

Malaking karangalan ito para kay Coach Goldwin Monteverde at sa kanyang Fighting Maroons.

Pinangunahan ni Gerry Abadiano ang Maroons na may 13 puntos at tatlong steals, dahilan upang tanghaling MVP ng torneo.

Nag-ambag din sina Francis Nnoruka ng double-double at Gani Stevens ng solidong stats.

Sa kabila nito, pinuri rin ang NU Bulldogs sa kanilang “Cinderella run.”

Bagama’t kulelat sa kanilang bracket, pinatumba nila ang Letran at UST bago tumiklop sa UP.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here