Home SPORTS Petecio kuminang sa Paris opener, umusad sa round of 16

Petecio kuminang sa Paris opener, umusad sa round of 16

113
0

Pumasok na sa round op 16 sa Paris Olympics ang Pinay boxer na si Nesthy Petecio matapos umiskor ng unanimous decision laban kay Jaismine Lamboria ng India ngayong Miyerkules ng umaga (oras sa Manila) sa North Paris Arena.

Naging silver medalist sa Tokyo Games, napatunayan ng Pinay boxer na siya’y mas may karanasan at matalas laban sa kanyang mas matangkad at mas bata na Indian foe matapos dominahin sa iskor na 5-0 panalo sa round-of-32 ng women’s 57 kg class .

Dahil sa panalo, haharapin ng 32-taong-gulang na si Petecio ang home bet na si Aminz Zidani, seeded third sa kanilang weight class at bronze medal winner noong nakaraang taon sa World Championship sa New Delhi.

Si Petecio ang pangalawang miyembro ng Philippine boxing team na umabante kasunod ni Aira Villegas sa women’s 50kg division.

Idinikrtra ng tubong Sta. Cruz, Davao Del Sur ang takbo ng laban, paulit-ulit na niyanig si Jaismine sa ulo upang makuha ang tango ng mga hurado maliban sa isa (Shawn Reese ng US).

“Tamang-tama yang ginagawa mo. Nakikita mo yung suntok niya,” ani Filipino coach Reynaldo Galido sa korner ni Petecio’s habang nasa one minute break.

Si Jaismine, na may anim na pulgadang kalamangan sa taas sa 5-foot-8, ay sinubukang i-pressure si Petecio sa ikalawang round sa pamamagitan ng paggamit ng jab laban sa mas maliit na Pinay.

Ngunit hindi nakontrol  ng Indian boxer ang laban dahil sa mahusay na teknik ni Petecio sa ring at patuloy itong umiskor gamit ang malalakas na suntok.

Sa pagtatapos ng laban, todo ngiti si Petecio sa asul na sulok bago siya inihayag bilang panalo, malinaw na alam niyang sapat na ang kanyang ginawa upang makapasok sa susunod na round.

Babalik sa ring ang Pinay sa Agosto 3 sa ganap na 2:00 a.m. (oras sa Maynila) para sa kanyang round-of-16 laban kay Zidani, kung saan ang nanalo ay nakakuha ng puwesto sa quarterfinals.JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here