Home HOME BANNER STORY Petisyon ni Sen. Bato, ibinasura ng SC

Petisyon ni Sen. Bato, ibinasura ng SC

265
0

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ni Senator Bato dela Rosa na humihiling na atasan si Ombudsman Boying Remulla na ilabas ang kopya ngĀ  International Criminal Court (ICC) arrest warrant.

Matapos na tanggihan ang Very Urgent Motion ng kampo ng Senador, inatasan naman ng Korte Suprema ang Department of Justice, Department of Foreign Affairs, at iba pang respondent na magsumite ng komento sa loob ng sampung araw kaugnay sa hiwalay na Very Urgent Manifestation ng mga petitioner.

Samantala, hindi pa dinidesisyunan ng SC ang pangunahing petisyon na inihain nina dela Rosa at kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa isyu ng pakikipagtulungan ng gobyerno ng Pilipinas sa ICC at ang hiling para sa preliminary injunction.

Matatandaang mismong si Ombudsman Remulla ang nagpahayag na mayroon ng warrant of arrest mula ICC laban sa Senador.

Aniya ang warrant ay nasa kanyang cellphone ngunit hindi pa ito ang opisyal na kopya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here