Home METRO PGH sinuri ng DILG matapos masunog

PGH sinuri ng DILG matapos masunog

Kuha ni Crismon Heramis l Remate News Central

MANILA, Philippines – Personal na binisita ni Interior Sec. Benhur Abalos ang Philippine General Hospital (PGH) upang makita ang kalagayan ng mga pasyente na naapektuhan sa sunog noong nakaraang linggo.

Kasabay nito ang inilabas na safety warnings partikular ngayong fire prevention month na kadalasang nangyayari angga sunog dahil na rin sa mainit na panahon o summer season.

Sa panayam ng mga mamahayag, maaring dahil sa faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog at ito ay nagmula sa record section sa Audiovisual ngunit sinusuri pa aniya ito sa forensic para sa malaman pa.

“Nakita ko po kanina yung sunog saan nagmula ito”, pahayag pa ni Abalos.

Kasama ni Abalos ang opisyal Bureau of Fire Protection at opisyal ng ospital kabilang si Director Gerardo Legaspi, gayundin ang mga kinatawan ng Department of Health.

Partikular na ininspeksyon ng mga opisyal ang bahagi ng Medicine building kung saan mismong sumiklab ang apoy na nakaapekto sa maraming pasyente.

Bagamat ilang araw na ang nakakalipas, amoy pa rin ang usok sa nasunog na gusali kaya naman inaalam ng mga awtoridad ngayon kung nakakatiyak pa ang kaligtasan ng mga pasyente na gumagamit sa kalapit na pasilidad na konektado sa nasunog na bahagi ng gusali. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleGrade 12 utas sa tuklaw ng kobra
Next articleJoshua at Julia, nagyakapan at nag-beso; Charo, kinilig!