Home ENTERTAINMENT Joshua at Julia, nagyakapan at nag-beso; Charo, kinilig!

Joshua at Julia, nagyakapan at nag-beso; Charo, kinilig!

Manila, Philippines – My favorite loveteam!”

Ito ang buong ningning na pasigaw na nasabi ng dating ABS-CBN President Charo Santos-Concio nang tumambad sa kanyang harapan ang nagbatian at nagyakapang dating JoshLia loveteam.

Ang JoshLia ay portmanteau ng mga pangalan nina Joshua Garcia at Julia Barretto who were once a romantic couple.

Naganap ang kanilang pagkikita sa surprise party para sa ika-77 kaarawan ng tatay-tatayan sa Star Magic noon na si Mr. M o Mr. Johnny Manahan.

Attended by other Kapamilya stars, idinaos ang nasabing pagdiriwang sa Resorts World Manila nitong March 16, Sabado.

Nagkataong in a huddle sina Ma’am Charo at Julia.

Napadaan si Joshua who greeted Julia: “Hi!”

At that juncture, hindi napigilan ng dating network boss at aktres na sabihing paborito niyang tambalan ang JoshLia.

“Kinikilig ako!” sabi pa ni Charo.

Since they broke up many years ago, sa affair na ‘yon lang uli nagkumustahan ang dalawa.

Maging ang mga loyal JoshLia fans couldn’t help but gush over their photos as well as video showing them hugging each other.

Prior to this ay namataan din ang magtiyahin na sina Claudine Barretto at Julia.

Makaantig-damdamin din ang kanilang pagkikita as though nothing stood in the way.

Matatandaang sangkot sila sa isang mala-teleseryeng tagpo sa lamay ng ama ni Claudine, kung saan nagkaroon ng labu-labo of sorts ang mga Barretto sisters.

Kung wala pa palang surprise tribute party in honor of Mr. M, no reconciliation of feuding parties would have taken place, tulad din ng pagkikita at pagbesu-beso nina Julia at Bea Alonzo. Ronnie Carrasco III

Previous articlePGH sinuri ng DILG matapos masunog
Next articleMWSS muling kinastigo sa napipintong kakapusan ng suplay ng tubig