Manila, Philippines- Nagkatotoo na nga ang ine-expect ng karamihan.
Ayon sa report ni Nelson Canlas ay naghain na ng tatlong magkakahiwalay na criminal case for cyber libel ang aktres na si Bea Alonzo sa Quezon City Prosecutors Office laban sa mga showbiz columnist at online hosts na sina Cristy Fermin at Ogie Diaz kasama na ang kanilang mga co-host sa kani-kanilang online programs.
Kasama rin sa inireklamo ng Kapuso actress ang isang netizen na nagpapanggap na malapit sa kanya.
Nakasaad sa complaint affidavit ni Bea na diumano’y naging biktima siya ng mali, malisyoso at mga mapanirang impormasyon na mula sa nagpanggap na malapit sa kanya at inilathala at pinag usapan sa online shows nina Cristy at Ogie nang walang basehan.
Kasama rito ang diumano’y sunud-sunod na paninira kay Bea sa kanilang mga columns at mga show.
Kabilang na ang issue na diumano’y di pagbabayad ng tamang buwis ng aktres.
Kasama ni Bea sa pag-file ang kanyang abogadong si Atty Joey Garcia at manager na si Shirley Kuan. JP Ignacio