Home ENTERTAINMENT DonBelle, emosyunal sa pagtatapos ng serye!

DonBelle, emosyunal sa pagtatapos ng serye!

117
0

Manila, Philippines- Mixed emotions ang nararamdaman ng magka-loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano sa nalalapt na pagwawakas ng top-rating series nila na Can’t Buy Me Love, na consistent sa pagiging isa sa most-watched show sa Netflix at iWantTFC.

Para kay Belle, magiging parte na ng buhay niya si Caroline, ang pangalan ng character niya sa CBML

Sabi ni Belle, “Noong una si Caroline very stoic and now may puso siya. Grabe talaga yung napagdaanan niya.

“Big help yung directors and character kasi sa kanila ako humuhugot. I have been Caroline for eight months and she’s always going to be a part of me.

“Kaya parang kung anong pinagdadaanan niya, pinagdadaanan ko rin with her.”

Ayon naman kay Donny, hindi dapat palampasin ng manonood ang natitirang episodes ng nasabings serye dahil marami pang revelations.

“Sa dinami ng pinagdaanan ng BingLing pati ng buong cast, Team Binondo at mga Tiu, grabe, everything is coming together.

“Kahit ang daming revelations na, ang dami pa rin nating tanong kung ano’ng mangyayari sa dulo. I’m just excited honestly as a viewer to also see what’s going to happen.”

Ang “Can’t Buy Me Love” ay nasa ilalim ng produksyon ng StarCreatives at idinerehe nina Direk Mae Cruz Alviar, Direk Ian LoreƱos, at Direk Raymund Ocampo. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here