Home METRO 3 armadong tirador ng ‘NMAX’ timbog sa mga parak sa Bulacan

3 armadong tirador ng ‘NMAX’ timbog sa mga parak sa Bulacan

Bulacan – Arestado ang tatlong lalaking puwersahang kumuha ng motorsiklo sa isang pumaparadang rider sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang tatlong suspek na sina Arvin Alvarez, 24 Jhon Rey Cayas, 19 kapwa residente ng Brgy. Kaypian at Christian Lebuna, 25 ng Brgy. Gumaoc West.

Sa report kay Bulacan Police director PCOL Relly Arnedo ng SJDM police station, nangyari ang insidente bandang 4:00 ng umaga nitong Mayo 1 sa Brgy. Kaypian.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, pumaparada ang bktimang Dance Instructor na nagngangalang James lulan ng Yamaha NMAX motorcycle nang lapitan ng apat na suspek lulan ng dalawang motorsiklo.

Tinutukan ng isa sa suspek ang biktima hanggang sa puwersahang kunin ang kanyang motorsiklo at mabilis na humarurot sa direksyon ng Quirino Highway.

Agad humingi ng saklolo sa mga pulis sa PCP 5 ang biktima na mabilis na rumesponde kaya nahuli ang tatlong suspek at narekober ang gamit na motorsiklo habang nakatakas ang kasamahang si alyas Marco.

Patuloy ang operasyon para mahuli ang nakatakas na suspek at para marekober ang natangay na motorsiklo.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya.Dick Mirasol III