Home NATIONWIDE PH bilang paddling destination isusulong ng Marcos admin

PH bilang paddling destination isusulong ng Marcos admin

MANILA, Philippines- Ipinalabas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Proclamation No. 699, na nagdedeklara sa ika-apat na linggo ng Oktubre kada taon bilang “Moving Forward Paddling Week Philippines.”

Sinabi ng Presidential Communications Office nitong Sabado na ipinalabas ni Marcos ang Proclamation No. 699 upang iangat ang Pilipinas bilang prime paddling destination at hikayatin ang pagtanggap nito bilang sport at leisure activity. 

“For this purpose, the Philippine Sports Commission (PSC) is hereby directed to lead, coordinate, and supervise the observance of the Moving Forward Paddling Week Philippines, and identify the programs, activities and projects for the celebration thereof,” anang Pangulo sa October 2 proclamation na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

“Paddling forward,” nakasaad sa proklamasyon, “symbolizes unity and strength in navigating challenges towards achieving progress as a Filipino nation, and embodies personal growth and development through constantly striving to push limits, overcome setbacks, and demonstrate resilience and dedication in the pursuit of excellence.”

Lahat ng national government entities, kabilang ang government-owned or controlled businesses (GOCCs) at state universities and colleges (SUCs), ay kailangang aktibong makiisa at tumulong sa PSC sa wastong implementasyon ng Proclamation 699.

Hinimok din ang local government units (LGUs), non-government organizations (NGOs), professional associations, at ang pribadong sektor, na magpakira ng parehong suporta sa sports body.

Samantala, ang Pilipinas ang magho-host ng 2024 International Canoe Federation Dragon Boat World Championship mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 4, 2024, sa Puerto Princesa City, Palawan, bilang bahagi ng 2024 Moving Forward Paddling Week Philippines. RNT/SA