MANILA, Philippines – Layon ng Pilipinas at Chile na mapirmahan ang isang economic partnership agreement bago matapos ang taon.
Sa pagpupulong kasama si Chilean President Gabriel Boric sa sidelines ng 32nd Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting sa Hwabaek International Convention Center, iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan na isapinal na ang Philippines-Chile Comprehensive Economic Partnership Agreement (CEPA).
Manila ang nag-host ng ikatlong round ng negosasyon sa deal noong Oktubre.
Ang kasunduan, na magiging kauna-unahang kasunduan ng Pilipinas sa Latin American nation ay pipirmahan sa katapusan ng taon.
Pagpapatuloy, ipinaliwanag ni Marcos ang mga pamamaraan para mas mailapi pa ang relasyon ng dalawang bansa sa kabila ng geographical distance sa pagitan ng dalawang bansa.
Ang dalawang bansa rin aniya ay may shared heritage at cultural affinity bilang matibay na basehan para sa partnership at kooperasyon.
Suportado rin ni Marcos ang panawagan ni Boric para sa greater multilateralism, sa pagtukoy ng gampanin sa APEC at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagtugon sa regional at global tensions.
Ipagdiriwang ng dalawang bansa ang ika-80 taong anibersayo ng diplomatic relations nito sa 2026. RNT/JGC