Home HOME BANNER STORY PH inflation rate sumirit sa 6.1% sa Setyembre

PH inflation rate sumirit sa 6.1% sa Setyembre

MANILA, Philippines – Muling bumilis ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa o ang inflation rate sa 6.1% noong Setyembre.

Base ito sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Huwebes.

Ayon sa datos ng PSA, mas mabilis ang inflation noong nakaraang buwan kaysa sa 5.3% na nai-post noong Agosto.

Pasok naman ang inflation rate ng Setyembre sa forecast range na 5.3% hanggang 6.1% ng Bangko Sentral ng Pilipinas para sa buwan.

Sinabi ng Bangko Sentral na ang pagtaas ng presyo ay maaaring nagmula sa mga pagtaas ng presyo sa gasolina, kuryente, at mga produktong pang-agrikultura. RNT