Home NATIONWIDE PH, Norwegia sanib-pwersa sa maritime industry

PH, Norwegia sanib-pwersa sa maritime industry

MANILA, Philippines- Nasa 25,000 Filipino seafarers ang inaasahang magtatrabaho sa mga barko na Norwegian-flagged vessels kasunod ng paglagda sa isang memorandum of agreement (MOA) na kumikilala sa kanilang sertipikasyon.

Lumagda ng MOA si Maritime Industry Authority (Marina) Administrator Sonia B. Malaluan at Norwegian Maritime Authority (NMA) Director General ng Shipping and Navigation Alf Tore Sørheim sa Recognition of Certificates sa ilalim ng International Convention on the Standards of Training, Certification, and Watchkeeping (STCW) for Seafarers, 1978, na inamyendahan sa Oslo noong May 13.

“The MOA signifies a significant step towards closer cooperation between the Philippines and Norway in the maritime domain,” ayon sa Marina.

Nilalayon nitong mapadali ang pagkilala sa mga sertipiko ng mga marino, na may layuning mapanatili ang mataas na pamantayan ng kaligtasan, kakayahan, at propesyonalismo sa loob ng pandaigdigang industriya ng maritime, at nilalayong mapakinabangan ng mga marino at mag-ambag sa mas malawak na mga layunin tulad ng maritime security at sustainable development, ayon sa ahensya.

“With the [MOA], there is an expected increase of 25,000 seafarers to be employed onboard Norwegian flagged-ships,” sinabi ni Philippine Ambassador to Norway Enrico T. Fos sa isang pahayag noong May 14.

Ayon sa Marina, ang paglagda ng MOA ay naglalayong pagyamanin ang mabuting relasyon at mutual interests at batayan mismo sa mga prinsipyo ng pantay na partnership at pagsunod sa mga probisyon ng STCW Convention.

Ang 1978 convention ay ang unang nagtatag ng mga pangunahing pangangailangan sa pagsasanay, sertipikasyon at pagbabantay para sa mga marino sa internasyonal na antas.

Dagdag pa ng Marina, binibgyan-diin din ng kasunduan ang pakikipagtulungan sa pagsunod sa mga pamantayan ng STCW at pagtiyak ng pagsunod sa mga regulasyong namamahala sa pagpapalabas ng Certificates of Recognition, pagsubaybay sa mga proseso ng pagsasanay at pagtatasa, at pagpapanatili ng tumpak na mga rehistro ng mga sertipiko at pag-endorso.

“Quality assurance and inspection mechanisms are also incorporated into the agreement, with provisions for periodic inspections of approved facilities and procedures. This aspect underscores the commitment to upholding rigorous standards and continuous improvement in maritime training and certification practices,” sabi ng Marina.

“Additionally, the agreement outlines procedures for handling disciplinary measures, ensuring that any suspension, revocation, or withdrawal of Certificates of Recognition for disciplinary reasons is communicated promptly and transparently between the parties involved,” dagdag nito.

Ang delegasyon ng Pilipinas sa seremonya ay kinatawan ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary for Maritime Elmer Francisco Sarmiento, Marina Administrator Sonia B. Malaluan, STCW Office Executive Director Samuel L. Batalla, at Marina Office of the Administrator, Chief of Staff Engr. Ramon C. Hernandez.

Samantala, para sa Norway, ang mga opisyal ng NMA na dumalo ay sina Alf Tore Sørheim, Director General ng Shipping and Navigation; Håvard Gåseidnes, pinuno ng Department of Vessels and Seafarers; at Finn Erik Olsen, Senior Legal Adviser ng NMA. Jocelyn Tabangcura-Domenden