MANILA, Philippines -Nakatakdang sumali ang Philippine Padel Association sa Asia-Africa qualifiers para sa World Padel Championship sa Kuwait sa Setyembre 22 hanggang 27.
Ayon sa grupo, ito ang unang pagkakataon na kakatawanin ang bansa ng isang koponan sa isang opisyal na kompetisyon na inorganisa ng International Padel Federation (FIP).
Pangungunahan ni Jessica Agra ang women’s team, kasama sina Anna Christine Patrimonio, Jessica Lucas, Alessa Marie Belbes, Rovy Conle Castillo, at Michelle Rose Dickson.
Pangungunahan ang men’s team ni Ryan Cater, at kasama rin sina John Michael Tamayo, Jaybee Buenaventura, Timothy Peter Berry, Alexander Jr Borela, at Arnel Burden.
Sasabak din sa torneo ang mga koponan mula sa Australia, China, Iran, Japan, Kuwait, Lebanon, Saudi Arabia, Oman, Thailand, at United Arab Emirates.JC